Libo-libong mga matatanda nang overseas Filipino workers (OFWs) ang magbebenepisyo sa Republic Act (RA) 11982 o ang Expanded Centenarian Act, na iimplementa sa taong 2025.
(Larawan ni Vera Victoria)
Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na inaasahang mas magiging episyente ang distribusyon ng mga benepisyo sa pamamagitan ng Elder Living System, isang programang nakadisenyo para tugunan ang pangangailangan ng mga may-edad nang OFWs.
Ang mga ito ay makakatanggap ng kaukulang halaga mula sa pamahalaan kung dumating na sa edad na 80, 85, 90, 95 at 100 batay sa naturang pinalawak na batas.
(Larawan ni Vera Victoria)
"Under the new law, Filipinos, upon reaching the age of 80, shall receive a cash gift of 10 thousand pesos and every five years thereafter and upon reaching the age of 85, 90, and until 95. We do, after all, stand on the shoulders of these giants. But they deserve more than cash in an envelope. What they should get is a support infrastructure that every society owes to its greying population," ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nang lagdaan niya ang batas nitong Abril ng kasalukuyang taon.
Ang aabot naman sa edad na 100 ay makakatanggap ng P100, 000 cash gift.
Mga Matatandang OFWs, Makakatanggap din ng Cash Gift sa Pamahalaan sa Ilalim ng Pinalawak na Centenarian Act Simula 2025 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: