Mahigit 270 mga persons with disabilities, partikular ang mga bulag, ang dumalo sa Visul Disability Sensitivity Workshop sa Lakeshore Hall, Barangay Lower Bicutan, Taguig City noong Oktubre 9, 2024.

News Image #1


Nilalayon ng workshop na mas maunawaan at suportahan ang mga bulag o may problema sa mata.

Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig, sa pamamagitan ng Persons with Disabilities Affairs Office, ang pagsasagawa ng kaganapan kung saan ang mga dumalo na may problema sa paningin ay tinuruan ng basic Braille - sa pagbasa at pagsulat.

News Image #2


Binigyan din ang mga ito ng pagsasanay sa White Cane techniques na mahalaga para sila ay makapaglakad-lakad, at sighted guide techniques upang makapaglakad sila na mayroong umaalalay sa kanila na nakakakita.

Tinuruan din ang mga magulang at guide ng mga bulag sa pag-aasiste sa mga ito.

Katuwang ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig bukod sa Persons with Disabilities Office ang YAKAP Center for Children with Disabilities teachers at Department of Education Special Education (SPED) teachers.

Sinabi ni Taguig Mayor Lani Cayetano na patuloy ang lungsod sa pagsuporta mga may problema s paningin. Patuloy aniyang maglulunsad ng programa para mapalakas at mabigyan ng tiwala sa kanilang sarili ang lahat ng persons with disabilities sa lungsod.

Makaraan ang workshop-training, namigay ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ng mga puting tungkod sa mga lumahok.

(Larawan mula sa FB Page: Lani Cayetano)