Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga naghahanap ng AFAM, ang tawag sa mga dayuhang nakikilala online o mga nagtutungo sa Pilipinas, na nakaka-chat sa mga dating apps.
(Larawan ng Bureau of Immigration)
Ayon sa BI, isang 34 na taong gulang na Pilipina ang kanilang naharang sa Ninoy Aquino International Airport Termina 3 sa Pasay City kamakailan makaraang mabuking itong magtutungo sa ibang bansa upang maging surrogate mother.
Inamin ng babae na nakilala niya ang AFAM sa isang dating app. Inalok aniya siya nito na magtungo sa Cyprus at bukod sa sila ay magkikita, inalok pa ito ng mapagkakakitaan.
Nadiskubre ng BI na mayroong dalang imbitasyon mula sa klinika ng in-vitro fertilization (IVF) sa Cyprus ang babae kung saan pinangakuan siya ng kanyang kakilala na babayaran ng P300, 000 kapag nakapanganak na siya.
Sasakay sana ang babae sa isang Turkish Airlines flight patungong Cyprus at sasailalim sa IVF procedure noong Enero 14, 2025.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na patuloy na kumakalat ang ganitong pamamaraan na bumibiktima sa mga Pilipina.
"The scheme continues to thrive, leading to a rise in online offers for surrogacy or IVF-related services, with victims often coerced into passing certain laboratory assessments. We warn females not to be tempted to agree to such schemes as this is a clear form of trafficking," ang pahayag ni Viado.
Sa ngayon, ang babae ay nasa pangangalaga ng Inter-Agency Council Against Trafficking.
Mga Nakakilala ng AFAM, Binalaan ng Bureau of Immigration; Isang Pilipina na May Nakilala sa Dating App, Nais Gawing Surrogate Mother | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: