Hindi lamang sa giyera dapat ipakita ang katapangan.
Ito ang mensahe ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido sa isinagawang Sunrise Ceremony noong Abril 5, 2024 sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Ang Sunrise Ceremony ang naghudyat ng pagsisimula ng isang linggong pag-alalala sa ika-82 Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans' Week.
"We must teach the youth that valor needs not be constrained and witnessed only during wartime. This I think, above all others, would be the most befitting tribute we can give our ancestors. Let their examples be our inspiration, that we too can be heroes," ang pahayag ni Galido sa isinagawang seremonya sa
Tomb of the Unknown Soldier (TUKS) sa Libingan ng mga Bayani.
Ang selebrasyon ng Araw ng Kagitingan ay may temang "Pagpaparangal sa Kagitingan ng mga Beterano: Saligan para sa Nakakaisang Filipino."
Ang tradisyonal na Sunrise Ceremony ay isinagawa sa pagbubukang-liwayway na isang simbolismo ng panibagong pag-asa para sa Inang Bayan.
Ang seremonya ay simbolismo rin ng pasasalamat sa mga beteranong nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas.
Ang Security at Escort Battalion honor guards na naka-rayadillo gala ang nagtaas ng bandila ng Pilipinas sa Sunrise Ceremony.
Ngayong araw na ito, Abril 9, ginugunita ang mismong Araw ng Kagitingan bilang pag-alala sa mga nagsakripisyo para sa kalayaan ng Pilipinas.
(Kuha ni Cpl. Rodgen V. Quirante PA/ OACPA)
Mga Namayapang Bayaning Sundalo, Binigyang Pugay sa Sunrise Ceremony sa Libingan ng mga Bayani | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: