Magkakasabay na pinailaw ang mga parol sa mga pangunahing kalye ng Taguig City noong Nobyembre 20, hudyat ng pagsisimula ng selebrasyon ng Pasko sa probinsyudad.

News Image #1


Ang mga parol ay nakailaw kapag gabi sa Cayetano Boulevard, Heritage Park, Bayani Road, Cloverleaf Ecopark, Gate 3, DOST, at General Santos Avenue.

Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang seremonya ng pagpapailaw ng mga parol sa Cayetano Boulevard.

News Image #2


Mayroong photocell sensors ang mga parol upang mas makatipid sa kuryente.

"Dito sa Lungsod ng Taguig, sinasabi nating 'Ang Pasko sa Taguig ay Pag-Ibig'. Una, pag-ibig ng Diyos sa ating sangkatauhan. Susunod, ang pag-ibig ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa kaniyang nasasakupan. Mahalaga po sa atin kapag kapaskuhan na naghahatid tayo ng saya at ligaya sa ating pamilyang Taguigeño," ang pahayag ni Cayetano.


News Image #3


May mga parol din ang mga kalye ng Barangay Bagumbayan hanggang Barangay Napindan, Manuel L. Quezon Street sa Barangay Bagumbayan, at ang mga pangunahing daan sa iba pang barangay sa siyudad.

Ang mga parol ay mananatiling nakasabit at nakailaw hanggang sa Pebrero 10, 2024 o sa selebrasyon ng Chinese New Year.


(Photos by Taguig PIO)