Ang tuloy-tuloy na pagbabakuna, programa para sa mga nanay at kalusugan ng mga kabataan, mental health screening at newborn screening ng pamahalaang lungsod ng Taguig ay kinilala ng Department of Health (DOH) sa nakaraang program implementation review conferences ng kagawaran.

News Image #1


Ang lungsod ng Taguig ang isa sa dalawa lamang na local government units (LGU) sa Pilipinas na naimbitahan sa global meeting upang ipakita ang mga mahuhusay na gawain nito kaugnay ng National Immunization Program.

Kinilala ang Taguig bilang Immunization Champion dahil naabot ng programa nitong pagbabakuna ang bawat purok sa siyudad. Ang Taguig ang naging pamantayan ng iba pang LGUs nang ang programa ay pinalawak sa subnational level.

Bukod dito, kinilala ng DOH ang Taguig City Health Office sa pamamagitan ng mga sumusunod na karangalan: isang Certificate of Recognition dahil nakamit nito ang 85% target ng programa para sa Category 2 at 3 animal bite cases.

Mayroon ding Certificate of Recognition ang Taguig City Health Office para sa implementasyon ng National Safe Motherhood Program at Adolescent Health Development Program.

Panalo naman ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa Access to Essential Medicine Category para sa National Safe Motherhood Program at Adolescent Health Development Program.

Binigyan din ito ng Rising Star Award para sa Mental Health Program. May Certificate of Commendation din ang Disaster Risk Reduction and Management in Health.

News Image #2


Binigyan ng pagkilala bilang Best in Practices and Innovations at Best Galler Presentation ang Newborn Screening Program ng pamahalaang lungsod.

Ang Drug Output Program naman ay nabigyan ng Best Audio Visual Presentation.


Tiniyak ng pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng pamumuno ni Taguig City Mayor Lani Cayetano, na tuloy-tuloy ang kanilang mga magagandang programa at proyekto na makakasiguro sa kapakanan ng bawat Taguigeño.

(Photos by Taguig PIO)