May mag-iikot nang mga pulis sa lahat ng barangay sa bansa upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan sa ilalim ng pinalakas na programang Pulis sa Barangay.

News Image #1

(Larawan mula sa FB: South Signal PIO)

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil ang lahat ng mga police units na palakasin pa ang proteksyon sa seguridad sa may 42,029 barangay sa bansa, lalo na ang mga agrabyadong komunidad at ang mga malalayo o hindi marating agad na mga lugar.

Nilalayon nitong mabawasan ang mga krimen, terorismo at ilegal na aktibidad kaugnay ng droga.

"The safety of our citizens begins in the barangays. We are committed to ensuring that no community is left unguarded and that every corner of our nation feels the protective arm of the PNP," ang pahayag ni marbil.

Samantala, ang Taguig City Police naman ay tuloy-tuloy sa kanilang programang Project Patrolling and Response Operation Training to Empower CVO's and Tanod (P.R.O.T.E.C.T.) sa mga barangay sa Taguig City.

News Image #2

(Larawan mula sa FB: Taguig City Police Station)

Ang dalawang araw na P.R.O.T.E.C.T. ay isinagawa kamakailan sa Barangay South Daang Hari kung saan tinalakay ang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, basic incident report writing o pagsusulat ng blotter, mga elemento ng citizen's arrest, pagsasaliksik at pagkumpiska, handcuffing technique, mga tungkulin at responsibilidad ng isang tanod at maging ang kaalaman sa bomba.

News Image #3

(Larawan mula sa FB: Taguig City Police Station)