Ang mga nanonood at pumapasok sa piniratang sites at serbisyo ay mas mataas ang panganib na ma-hack, manakawan ng identity online o ma-ransomware.
Sa isang pag-aaral na kimonisyon ng Motion Picture Association (MPA) lumabas na ang mga Pilipino ay nasa 33 beses na mas malamang na makakuha ng cyber threats sa mga popular na piracy sites kumpara sa mga legal na websites ng pelikula at palabas sa telebisyo.
Inihayag ito sa anti-piracy symposium na inorganisa ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), Alliance for Creativity and Entertainment (ACE), GMA Network, Inc. at Globe Telecom.
Ang ACE ay ang nangungunang koalisyon laban sa pamimirata kung saan ang headquarters nila ay nasa Washington DC at may mga opisina sa Los Angeles.
Ang pag-aaral naman ay isinulat ni Paul Watters, honorary professor ng Security Studies and Criminology, Macquarie University sa Sydney, Australia.
"As the digital landscape grows increasingly complex, the risks to consumers accessing piracy sites - especially younger consumers - have never been more urgent. Consumers today navigate an online environment fraught with hidden malware and exploitation, often without realizing the true danger they face," ayon kay Watters.
Sinabi ni Watters na kailangang maprotektahan lalo na ang susunod na henerasyon upang hindi maging biktima ang mga ito ng mga cybercriminals.
Ayon sa pag-aaral, kinakailangang gumawa ng batas na haharang sa ganitong mga piracy at hacking sites. Kailangan ding taasan ang pondo para sa mjga tagapagpatupad ng batas upang mapaunlad pa ang digital forensics at pagtugon kaagad sa mga insidente ng pag-atake ng cybercriminals.
Sinabi naman ng IPOPHL na mayroon silang inisyatibong voluntary site-blocking na nakapagpasara na ang 20 sites sa tulong ng National Telecommunications Commission at mga internet service providers.
"Nevertheless, a law will institutionalize our site-blocking regime to create more outcomes, unlock the full potential of our creative economy and protect our consumers from the alarming cyber threats of piracy sites. IPOPHL is still hopeful to see a site-blocking law passed soon," ang pahayag ng IPOPHL.
Mga Pumapasok sa Pirated Sites, Mas Mataas ang Panganib na Mabiktima ng Cybercriminals | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: