Binigyan ng pagkilala at parangal ang mga sundalong atleta ng Philippine Army sa isang seremonya sa headquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City noong Nobyembre 13.
Ang mga sundalong atleta ng Army ay namayani sa nakaraang 2023 Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police-Philippine Coast Guard- Bureau of Fire- Bureau of Jail Management and Penology (AFP-PNP-PCG-BFP-BJMP) Olympics sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Ang Team Army ang overall champion sa ikaapat na pagkakataon sa katatapos na
Military and Uniformed Personnel Olympics 2023.
Ang Philippine Air Force ang 1st Runner-up, at ang Philippine Navy naman ang 2nd Runner-up.
Namayani rin sa naturang Olympics ang Army noong 2018, 2019 at 2022.
Pinuri ni Lt. General Roy Galido, hepe ng Philippine Army, ang kahusayan ng mga atleta ng kanilang hanay.
(Photos by Philippine Army)
Mga Sundalong Atleta ng Philippine Army, Pinarangalan sa Headquarters Nito sa Fort Bonifacio | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: