Pinalakas pa ang pagtutulungan ng mga tagausig at kapulisan upang maibilanggo ang mga may kasong isinampa sa hukuman.
Sa isinagawang pagpupulong nina Major General Edgar Alan Okubo, hepe ng Philippine National Police - National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) at Atty. Benedicto Malcontento, Prosecutor General, National Prosecution Service ng Department of Justice sa Camp Bagong Diwa, Taguig kamakailan, pinatibay nila ang pagpapatupad ng DOJ Circular No. 020 o Policy Pro-active Involvement of Prosecutors in Case Build-up.
Sinabi ni Malcontento na maaaring maiwasan ang pagkabasura ng mga isinampang kaso sa pamamagitan ng paggabay ng mga piskal sa kapulisan ng nararapat na gawin sa kanilang operasyon. Tutulungan din ng piskalya ang kapulisan sa kanilang pagsasampa ng reklamo sa hukuman laban sa mga inaresto. Ito ay upang makamit ng mga biktima at kaniloang pamilya ang katarungan.
"Sa pagkakaisa ng piskalya at kapulisan, mas makatitiyak po tayo na matutulungan natin ang ating mga kababayan na makamit ang hustisya. Makakaasa po kayo na sisiguruhin po natin ang malawakang pagpapatupad ng panukalang ito sa Kalakhang Maynila," ayon kay Okubo.
Mga Tagausig, Tutulungan ang mga Pulis sa Pagsasampa ng Kaso | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: