Maaari nang mag-apply online ang mga nagnanais na makapasok sa kolehiyo sa Taguig City University (TCU) hanggang Enero 31, 2025.
(Photo from Taguig City University Facebook page)
Sinimulang buksan ang aplikasyon noong Enero 7, 2025 kung saan mayroong link na maaaring puntahan o QR code na maaaring i-scan ng mga bagong papasok sa kolehiyo at ng mga pumasa sa Alternative Learning System (ALS) na maaari nang mag-kolehiyo.
Kailangang ang aplikante ay residente ng Taguig City ng mga 3 taon na bago ang aplikasyon. Kailangan ding kahit isa sa mga magulang ay rehistradong botante ng Taguig City.
Kung ang aplikante ay 18 taong gulang o higit pa, kailangang rehistrado na itong botante ng Taguig City.
Kailangan ding sa kasalukuyan ay naka-enrol o naka-graduate na ang aplikante sa isang pampubliko o senior high school sa Taguig City o sa katabing local government unit sa Metro Manila.
TCU Online Application for Freshmen Admission (for Incoming First Year College Academic Year 2025-2026).
Iclick lamang ang mga forms na nasa ibaba para sa mga nagnanais na mag-apply bilang estudyante sa TCU.
Freshmen Link:
https://forms.gle/Rs5cNWgp2MYcaP7SA
ALS Passers(Eligible for College) Link:
https://forms.gle/aLrupCnbLmhFgpV37
Ihanda na rin ang mga kinakailangan tulad ng dalawang sets ng brown envelope kung saan ilalagay sa unang envelope ang lahat ng pinakopyang requirements at sa ikalawang envelope naman ang mga orihinal na kopya para sa beripikasyon.
Tingnan sa ibaba ang pagkakasunod-sunod ng mga dokumentong dapat ilagay sa envelope at isusumite sa iaanunsyong panahon ng submission ng TCU.
(Larawan ng Taguig PIO)
Ang mga iskolar ng TCU ay nakakatanggap ng allowance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig.
Mga Taguigeñong Freshmen sa Pagpasok ng Bagong Schoolyear o Nakapagtapos sa ALS, Puwede nang Mag-Apply Online para Makapag-aral sa TCU | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: