Ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na matagal nang may karamdaman o kapansanan at ang mga batang estudyangte ng Bahay Bulilit Day Care Center ay binigyan ng tulong at regalo ng PNP PLC Foundation, Incorporated sa pamamagitan ng kanilang inisyatibong tinawag na Love and Blessing o LAB Virus na isinagawa sa National Capital Region Police Office, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City noong Agosto 20, 2024.

News Image #1


Ang Philippine National Police Officers' Ladies Club Foundation, Incorporated (PNP-OLCFI), sa pangunguna ng adviser nitong si Mary Rose P. Marbil, maybahay ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbila, t presidenteng si Leilani S. Alba, ay inilunsad ang LAB Virus na nagpapakalat ng pagmamahal sa pamamagitan ng pag-aabot ng tulong sa Hinirang Multi-purposa Hall ng NCRPO.

News Image #2


Inabutan ng pera at iba pang tulong ang mga tauhan ng NCRPO na matagal nang may karamdaman. "This gesture served as a powerful reminder of the organization's dedication to looking after its own. Through these acts of kindness and solidarity, the NCRPO continues to strengthen its bond with the community and its commitment to the well-being of its members," ang ipinalabas na pahayag ng NCRPO PIO.

Ang mga batang estudyante naman ng Bahay Bulilit Day Care Center ay tumanggap ng mga gamit sa eskwelahan at iba pang mga kinakailangan ng mga ito sa pag-aaral. Ito ay matapos ang pagtatanghal ng mga bata sa kaganapan.

News Image #3


(Mga larawan mula sa Facebook Page: Office of the Chief PNP)