Arestado sa isang araw na pagsisilbi ng warrants of arrest ng Southern Police District ang tatlo katao sa Taguig City noong Biyernes, Setyembre 13, 2024.
(Larawan ni Dexter Terante)
Anim na taong nagtago sa batas si alyas Jason na may kasong pagbili ng boto o paglabag sa Section 261 ng Batas Pambansa Bilang 881, o kilala bilang Omnibus Election Code of the Philippines. Naaresto ito sa Mahogany Drive, Taguig City noong Setyembre 13 ng alas 6:10 ng gabi.
Tinangka naman umanong patayin ni alyas Muhaymen ang kaibigan ng kanyang mapapangasawa dahil sa selos sa pamamagitan ng isang kalibre .38 na baril. Naaresto ito sa Osano Park, 1630 Chavez St., Brgy. Central Bicutan, Taguig City ang suspek na wanted sa kasong Frustrated Murder sa ilalim ng Article 248 na may kinalaman sa Article 6 ng Revised Penal Code.
Isa namang 53 taong gulang na sekretarya ang naaresto bandang alas 9:00 ng gabi sa Taguig City makaraan ang 2 taon at 9 na buwang pagtatago sa batas, dahil naman sa 4 na kasong paglabag sa Bouncing Check Law (BP 22) na may nakarekomendang piyansang ₱ 96,000.00.
Mga Wanted sa Frustrated Murder, Vote Buying at Bouncing Checks, Naaresto sa Taguig City | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: