Mahigit sa isang milyong minimum wage earners sa National Capital Region ang makikinabang sa kautusan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng Metro Manila na itaas na sa P610.00 ang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila na nasa non-agriculture sector simula Hulyo 16, 2023.
"About 1.5 million full-time wage and salary workers earning above the minimum wage may also indirectly benefit as a result of upward adjustments at the enterprise level arising from the correction of wage distortion," ayon sa pahayag na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Inaprubahan ng Wages and Productivity Board ang pagtataas ng P40.00 sa arawang suweldo ng mga manggagawa, dahilan upang ang kasalukuyang P570.00 arawang sahod ay maging P610.00 na.
Ang mga nasa agricultural sector, service at mga retail establishments naman na ang empleyado ay 15 pababa, gayundin sa mga manufacturers na ang mga empleyado ay mababa sa 10, ang kanilang arawang minimum na sahod ay magiging P573.00 na mula sa P533.00.
Ang bagong arawang minimum wage rates ay lumaki ng 7% mula sa kasalukuyang rate sa rehiyon, at mataas sa regional poverty threshold na P452 kada araw para sa isang pamilyang may limang miyembro, ayon sa DOLE.
"These likewise result in a comparable 7% increase in wage-related benefits covering 13th-month pay, service incentive leave (SlL), and social security benefits such as SSS, PhilHealth and Pag-lBlG," dagdag pa ng DOLE sa kanilang inilabas na pahayag.
Samantala, ang mga nasa retail o service establishments na regular na nagmamantina ng hindi lalampas sa 10 manggagawa at mga kumpanyang apektado ng natural o sanhi ng tao na kalamidad ay maaaring mag-apply para sa exemption sa naturang pagtataas ng sahod.
Minimum Wage sa Metro Manila, P610 Kada Araw Na | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: