Nag-aaral ngayon ng Medisina ang Mutya ng Taguig 2019 na si Ednalyn Gunio.

News Image #1

(Larawan ni Marou Sarne)

Ang dalawampu't anim na taong gulang na dilag na taga-Barangay Katuparan, Taguig City, ay nanalo rin bilang Miss Photogenic sa Miss Philippine Islands 2018.



Sinabi ni Gunio sa Taguig.com na siya ang longest-reigning Mutya ng Taguig dahil inabot ng pandemya ang kanyang panunungkulan. At nang magdaos ng sumunod na patimpalak-pagandahan ay taong 2024 na kung saan nanalo si Alessandra Leanne Plantado ng Barangay Central Signal.

Nasa unang taon sa Medicine proper si Gunio sa Our Lady of Fatima University sa Valenzuela City. Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Education sa Rizal Technological University (RTU).

Naimbitahan si Gunio upang maging isa sa mga tagahatol sa preliminaries ng Binibing Agraryo 2024 ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City kahapon, Oktubre 16, 2024.