Hindi lamang 4th runner-up sa Miss Universe Philippines ang pambato ng Taguig City kung hindi nakuha rin nito ang mga espesyal na award sa kumpetisyong isinagawa sa Mall of Asia Arena, Pasay City noong Mayo 22, 2024.

News Image #1


Kabilang sa mga napanalunan ni Miss Taguig Christi Lynn McGarry ay ang titulong Miss Wuling 2024, Miss So En at Miss Jewelmer.
Sa pahayag na ipinalabas ng Taguig City Government sa Facebook, sinabi nitong "Thank you for showing what it is to be a Taguigueña! You are truly the embodiment of every Filipina. Your probinsyudad is very proud of you!"

News Image #2


Si McGarry, 34 na taong gulang, ay nagwagi na rin bilang Binibining Pilipinas Intercontinental 2015 at kinatawan ang Pilipinas sa Miss Intercontinental 2015 kung saan itinanghal siyang first runner-up.

Una niyang napagwagian bilang first runner-up ang Miss New Jersey Teen USA 2008. Sa Mutya ng Pilipinas naman noong 2010, nakoronahan siya bilang Mutya ng Pilipinas Asia Pacific 2010. Lumahok siya sa Miss Intercontinental 2010 at nagwagi ng Miss Intercontinental Continental Queen of Asia and the Pacific award.

Lumahok muli si McGarry sa Miss Intercontinental 2015 at nagwagi ng first runner-up kasama ang titulong Miss Intercontinental Continental Queen of Asia and Oceania.

(Larawan mula sa FB Page ni Mayor Lani Cayetano)