Binuksan na ang kauna-unahang Mitsukoshi Mall sa bansa, ang pinakamatanda namang mall sa Japan na may 350 taon na, sa bago nitong tahanan sa Bonifacio Global City sa Taguig noong Biyernes, Hulyo 21.

Panauhing pandangal si Vice President at Education Secretary Sara Duterte na kinilala ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga Pilipino at Hapon sa pagnenegosyo.

"This partnership, which demonstrated their aggressiveness, optimism, and love of country, inspires Filipino pride," ayon kay Duterte.

Ang Mitsukoshi BGC ay hindi lang ang kauna-unahang mall ng Japanese company sa Pilipinas, kung hindi ito rin ang kauna-unahang inilagay sa labas ng kanilang bansa sa South East Asia.

Ang mga Pilipinong negosyante mula sa Federal land, Incorporated at ang holding company nitong GT Capital Holdings, ang nakipag-partner sa Japanese companies na Nomura Real Estate Development Corporation at Isetan Mitsukoshi Holdings para maitayo ang Mitsukoshi mall sa pamamatigan naman ng kanilang joint venture company na Sunshine Fort North Bonifacio Realty Development Corporation.


News Image #1



"We are grateful that foreign investors - such as Japanese investors - consider the Philippines a highly viable and important investment destination for business expansion and diversification in Asia," dagdag ni Duterte.

Kabilang din sa dumalo sa pagbubukas ng Mitsukoshi BGC sina Senator Alan Peter Cayetano, Taguig City Mayor Lani Cayetano, Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, at Alfred Ty ng Federal Land.

(Larawan mula sa Inday Sara Duterte Facebook Page)