Ngayong araw na ito, Hulyo 7, 2024, ang huling araw ng exhibit at talakayan sa Modern Contemporary Art Festival (MoCAF) sa Grand Ballroom ng Marquis Events Place sa Marquis Building, Rizal Drive, Bonifacio Global City, Taguig.

News Image #1


Dumalo sa pagbubukas ng MoCAF bilang panauhing pandangal si Taguig City Mayor Lani Cayetano noong Hulyo 5, 2024.

News Image #2


Liammpu't limang booths at 34 na exhibits ng mga paintings, sculptures at iba pa ang tampok sa 3 araw na art festival na ito.

"As the Mayor of Taguig, a City that serves as a haven for artists and art enthusiasts, we wholeheartedly support MoCAF and its mission to uplift our local art community. We invite Taguigueños to spend their weekend at MoCAF to support and witness the country's evolving art scene, showcasing local and international talents," ang pahayag ni Cayetano sa kanyang Facebook post kung saan ibinahagi rin niya ang mga larawan mula sa naturang art festival.

News Image #3


Kabilang din sa dumalo sa pagbubukas ng MoCAF ang ambassador ng Spain sa Pilipinas na si Miguel Utray Delgado, Tourism Undersecretary Atty. Shereen Gail Yu-Pamintuan, Barangay Captain ng Fort Bonifacio Jorge Bocobo at iba pa.

Hanggang ngayong Linggo na lamang, Hulyo 7, mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng gabi ang MoCAF at mayroon itong entrance fee na P300. Maaaring bumili ng ticket online sa www.mocaf.net at sa Marquis Events Place kukunin ang pisikal na tiket.

News Image #4


Magkakaroon din ng talakayan bandang alas 10:30 ng umaga na kung saan ang pag-uusapan ay: "Usapang Presyo: How Should Art Be Priced?"

News Image #5


Bandang alas 2:00 naman ng hapon ay ito ang pag-uusapan: "Homage, Appropriation, or Plagiarism? When is copying Art Illegal?"

(Mga larawan mula sa Facebook Page ni Mayor Lani Cayetano)