Arestado ang isang 33 taong gulang na lalaking "most wanted" sa Taguig dahil sa kasong panghahalay.

Si alyas Bryan ay nahuli sa Sarembat St., Brgy. South Daang Hari, Taguig City, noony Nobyembre 28, ganap na 11:20 ng umaga.

News Image #1


Isinilbi ang warrant of arrest kay Bryan ng Warrant and subpoena Unit ng Taguig City Police Station batay sa Criminal Case Number 7593 para sa krimen ng Qualified Rape na inisyu noony October 20, 2023 ni Hon. Byron Gabbuat San Pedro, Presiding Judge, Family Court, Branch 15 ng Taguig City.

Pansamantalang idinetine sa Custodial Facility ng Taguig CPS si Bryan habang hinihintay ang susunod na kautusan ng korte.

(Logo ng Taguig City Police Station)