Bawal ang pagbebenta ng marijuana oil subalit mayroon pa ring gumagawa nito na diumano ay ginagamit sa vape.
Naaresto ang dalawa katao sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Taguig City Police sa Barangay Rizal, Taguig City kahapon, Nobyembre 21, 2024.
Isang motorcycle taxi rider na nagngangalang Gerome, 27 anyos, at isang alyas Arby, babaeng 24 anyos ang naaresto ng Taguig City Police sa aktong nagbebenta ng marijuana oil.
Limampu't dalawang disposable vapes at 11 vape cartridges na may lamang cannbis oil ang nakumpiska ng mga otoridad. May timbang itong 63 gramo na nagkakahalaga ng P283,500.
Nakuha tin sa mga suspek ang tatlong tunay na isandaang pisong pera at 24 na piraso ng 1, 000 boodle money at dalawang cellphone.
Ang dalawa ay kakasuhan na ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
(Larawan mula sa Taguig City Police)
Motorcycle Taxi Rider at Kasama nitong Babae. Nahulihan ng P283,500 na Marijuana Oil | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: