Nakatalon ang rider ng motorsiklo at naiwasan ang matinding panganib makaraang madagil ng isang bus ng JAM Transit kahapon sa C5 Waterfun, Taguig City.

Napag-alaman ng Taguig.com na tumatakbo pa-timog ang bus at motorsiklo nang aksidenteng mabangga ng bus ang isang concrete barrier.

News Image #1


Nabangga ang pintuan ng bus sa harap at na-sideswipe nito ang isang motorsiklo.

Nakatalon kaagad ang rider sa kanyang sasakyan nang makita ang tatama sa kanyang bus.

Nagtamo ng sugat ang rider na agad na nabigyan ng first aid.

Nagresponde kaagad ang enforcers ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pinangyarihan ng aksidente.

(Photo by MMDA)