Hindi muna ipapatupad ang naunang kautusan na simula Agosto 31, 2024 ay huhulihin at pagmumultahin na ang walang radio frequency identification (RFID) o kulang ang balanse na papasok o lalabas sa mga expressways.

Sa halip, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang implementasyon ng nirebisang panuntunan sa toll expressways ay ipatutupad sa Oktubre 1, 2024.

News Image #1

(Contributed photo)

"We hope the concerned agencies and tollway operators would use the 30-day deferment to fine tune expressway operations and further intensify the public information campaign to enable tollway users to comply with the new guidelines," ang ni Bautista na inilabas ng kanyang opisina.

Nakasaad sa bagong panuntunan na pagmumultahin ang mga walang naka-install na electronic toll collection (ETC) device o hindi sapat ang load balance ng RFID, o sira ang RFID o gumagamit ng pekeng RFID.

Kabilang din sa panuntunan na nakasaad sa Joint Memorandum Circular 2024-01 ay ang pagpapalakas sa pagbibigay kapangyarihan ng Land Transportation Office (LTO) sa mga tollway enforcers ng dalawang nagsisilbi ng tollways sa Luzon.

"These revised guidelines should significantly improve traffic along expressways through cashless or contactless toll plazas," ayon pa sa pahayag ni Bautista.

Sa ilalim ng nirebisang panuntunan, na nasa ilalim ng JMC 2024-01 na nilagdaan noong Agosto 1 nina Bautista, LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza II, at Toll Regulatory Board (TRB) Executive Director Alvin Carullo, ang mga motoristang papasok sa toll roads na walang balidong RFID o ETC device kabilang na ang sira, ay magmumulta sa ilalim ng "No Valid ETC Device" kung saan ang babayaran ay ang sumusunod:
First offense - P1,000
Second offense - P2,000
Subsequent offenses - P5,000 per offense

Ang mga mag-eexit naman sa expresswat na hindi sapat ang balanse, ay mapapatawan ng penalty sa ilalim ng kategoryang "insufficient load" kung saan ang babayaran ay ang mga sumusunod:



First offense - P500
Second offense - P1,000
Subsequent offenses - P2,500 per offense

Kapag gumamit naman ng peke, inayos lang o pekeng RFID at e-card kapag pumasok at lumabas ng toll
expressway ay mapaparusahan sa ilalim ng "Fraudulent or Falsified ETC" at may multang:

First offense - P1,000
Second offense - P2,000
Subsequent offenses - P5,000 per offense

Sinabi ng TRB na ang mga may pagkakamaling motoristang may paglabag sa RFID ay ang 9% sa mga motoristang gumagamit ng toll expressways na nagiging dahilan ng pagta-traffic sa mga toll plazas.