Inanunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) mula sa kanilang tanggapan sa Taguig City ang pagwawagi ng isang Pilipinong estudyante ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa 2024 International Olympiad on Astronomy and Astrophysics (IOAA) na isinagawa sa Rio de Janeiro, Brazil kamakailan.

Ang panalo ni Mohammad Nur Casib ng Philippine Science High School-Central Mindanao Campus ay gumawa ng kasaysayan sa 17 taon ng IOAA, kung saan tinalo nito ang mga kalahok sa 50 bansa noong Agosto 17 hanggang 27.

News Image #1

(Larawan mula sa Provincial Government ng Lanao del Sur)

Ito ang ikatlong gintong medalya ni Casib, isang estudyante mula sa Lanao del Sur, sa kanyang paglahok sa mga international science competitions.

News Image #2

(Larawan mula sa Observatorio Nacional)

Nakuha ni Casub ang kanyang ikalawang gintong medalya sa International Nuclear Science Olympiad (INSO), kung saan siya ang nakakuha ng pinakamataas na iskor sa lahat ng kalahok. Pinangalanan din siyang kauna-unahang Nuclear Science Ambassador.

Samantala, sina Sean Ken Galanza at Yanna Lorraine Tenorio ng Philippine Science High School Main Capus ay nagwagi rin ng mga medalya sa IOAA kung saan si Galanza ay nakakuha ng tansong medalya at si Tenorio naman ay honorable mention.

News Image #3

(Larawan mula sa DOST Region 10)

Ang IOAA ay isang taunang kumpetisyon ng mga pinakamatalinong high school students sa larangan ng astronomy at astrophysics. Ang mga kasali rito ay may pagsusulit kaugnay ng theoretical knowledge, data analysis at observational skills.