Libreng check-up, diagnostics at laboratory tests, bunot ng ngipin, mga gamot at pagkaing pampalusog ang hatid ng Taguig Love Caravan na umiikot sa iba't ibang barangay sa Taguig City.

News Image #1


Kasama ngayong umiikot ang Taguig Mobile Diagnostics Van na may libreng x-ray, ultrasound, ECG at laboratoryo para sa mga mamamayan ng Taguig City.

Ang programang hatid ng pamahalaang lungsod ng Taguig at Medical Assistance Office Taguig ay naglalayong maihatid ang mga serbisyong medikal, dental at nutrisyon sa mga mamamayang hindi makapunta sa pinakamalapit na health centers sa Taguig.

News Image #2


Para sa linggong ito, ang iskedyul ng Taguig Love Caravan ay ang sumusunod:

September 12, 2023, Martes, Purok 6-B Covered Court, Barangay South Daang Hari
September 14, 2023, Huwebes, San Lorenzo Ruiz Chapel, Barangay Central Signal
September 15, 2023, Biyernes, Taguig Neighborhood Association - Open Court Purok 1, PNR Site, Barangay Western Bicutan'

Mamimigay rin ng libreng hearing aid ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa mga kwalipikadong Taguigueñong nangangailangan nito. Kailangan lamang na may medical certificate na nakasaad na may hearing loss ang pasyente upang mabigyan ng hearing aid.

News Image #3


Magsisimula ang rehistrasyon ng lalahok sa Taguig Love Caravan sa barangay na pupuntahan sa oras ng alas 7:00 ng umaga. Ang check-up at gamutan ay sisimulan ng alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.

Kinakailangan lamang na may dalang vaccination card ang mga nasa edad 18 pataas, samantalang kapag menor de edad, kailangang may kasamang magulang o guardian na bakunado rin laban sa Covid-19.

(Photos from Taguig PIO)