Labingsiyam ang national holidays o walang pasok sa buong bansa dahil sa espesyal na pagdiriwang o komemorasyon sa taong 2025, kabilang na ang bagong deklarang special non-working holiday sa Hulyo 27, 2025, para sa anibersaryo ng pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo.

Hindi pa kabilang dito ang Islam holidays na Eid-al Fitr at Eid al Adha.

Gayunman, ang EDSA People Power Revolution Anniversary sa Pebrero 25, 2025 na dating special non-working day ay ginawa na ng Malakanyang na special working day.

News Image #1

(Larawan mula sa Presidential Communications Office)

Sa ipinalabas na Proclamation No. 727 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang mga sumusunod na araw ang idineklarang holiday o walang pasok sa Pilipinas:

Regular Holidays:
New Year's Day - January 1 (Wednesday)
Araw ng Kagitingan - April 9(Wednesday)
Maundy Thursday - April17
Good Friday - April 18
Labor Day - May 1 (Thursday)
Independence Day - June 12 (Thursday)
National Heroes Day - August 25 (Last Monday of August)
Bonifacio Day - November 30 (Sunday)
Christmas Day - December 25 (Thursday)
Rizal Day - December 30 (Tuesday)

Special Non-Working Days:
Ninoy Aquino Day - August 21 (Thursday)
All Saints Day - November 1 (Saturday)
Feast of the Immaculate Conception of Mary - December 8 (Monday)
Last Day of the Year - December 31 (Wednesday)

Additional Special (Non-Working) Days:

Chinese New Year - January 29 (Wednesday)
Black Saturday - April 19 (Saturday)
Christmas Eve - December 24 (Wednesday)
All Saints' Day Eve - October 31 (Friday)

Samantala, ang mga proklamasyon naman para sa Islam holidays ay ibabase sa lunar calendar. Ang National Commission on Muslim Filipinos ang ahensyang magrerekomenda

"The proclamations declaring national holidays for the observance of Eidul Fitr and Eidul Adha shall hereafter be issued after the approximate dates of the Islamic holidays have been determined in accordance with the Islamic calendar (Hijra) or the lunar calendar," ang nakasaad sa proklamasyon.