Bawal na ang magdala ng baril sa labas ng bahay kahit na may lisensiya simula sa Enero 12, 2025, Linggo.
Ito ay bilang pagsisimula sa panahon ng halalan na isasagawa ngayong Mayo.
Ang pagpapatupad ng nationwide gun ban, ayon sa Philippine National Police (PNP) ay upang matiyak na magkakaroon ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng eleksyon.
"This coming Sunday, January 12, is the start of the election period. We remind the public that we will start our nationwide gun ban on the same day," ang pahayag ng tagapagsalita ng PNP na si Brig. Gen. Jean Fajardo.
Ang mga maaari lamang magdala ng baril ay ang mga bona fide police, military, at miyembro ng government law enforcement agencies na nakakumpletong uniporme at naka-opisyal na duty.
Ang mga nagnanais namang magkaroon ng exemption sa gun ban ay kailangang makipag-ugnayan sa Commission on Elections Committee on Ban on Firearms and Security Concerns.
"For those not included in the executive list of exemptions, if they wish to bring firearms outside of their respective residences and places of business, they have to apply for a certificate of authority from Comelec so that they can be exempted," ayon kay Fajardo.
Ilang linggo na ang nakararaan, ipinagutos ni PNP Chief Gen. Rommel Marbil ang pinalakas na kampanya laban sa mga armadong grupo at ilegal na armas.
Nationwide Gun Ban, Simula na sa Enero 12, 2025 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: