Magsasagawa na naman ng transport strike ang grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) kasama ang Samahang Manibela Mananakay at nagka Isang Terminal ng Transportasyon (MANIBELA) sa Setyembre 23 hanggang 24 upang hadlangn ng pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program (PTMP).
(Larawan ni Dexter Terante)
Kabilang sa kanilang hihilingin ay ang:
• pagbabasura sa PTMP
• kanselasyon ng pinwersang franchise consolidation
• pagpapanumbalik ng prangkisa at rehistrasyon ng lahat ng public utility vehicle (PUV) operators kasama ang mga hindi sumali sa konsolidasyon
• zero budget par sa PUV phaseout programs, kung saan ng pondo ay dadalhin sa rehabilitasyon ng mga tradisyonal na jeepneys at tulong para sa mga lokal na industriya.
• payagan ang mga pumasok sa franchise consolidation na umurong sa kanilang isinagawang aplikasyon
Noong Agosto, ibinasura ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang panawagan ng 22 senador na isuspinde muna ang programa dahil hindi pa sapat ang impormasyon na ikinalat kaugnay ng PTMP at mahihirapn ang mga driver at operator na bilhin ang mga modernong jeepney.
Ayon jay Marcos, naka-pitong beses nang nasuspinde ang implementasyon ng jeepney modernization program kaya't hindi maaaring sabihin na kulang pa ang impormasyong naipakalat kaugnay nito.
May walumpung porsiyento n ng mga operators ang nakasunod sa mga kinakailangan ng PTMP at nakapagbuo na ang mg ito ng kooperatiba upang mas maging mabilis ang proseso ng pag-utang sa bangko para sa bibilhing modernong jeepneys.
Ayon naman sa Department of Transportation, sa 83% consolidation rate, hindi na kailangang isuspinde pa ang PUV modernization program. May ilan nang nagba-biyahe ngayon gamit ang mga modernong jeepney na may airconditioning units, European emission standard engines o electric motors, WiFi at CCTV.
Sinimulan ang PUV modernization program noong 2017 subalit naantala ang pagpapatupad dahil sa mga protesta kasama na ang Covid-19 lockdown.
Nationwide Transport Strike, Isasagawa ng PISTON at MANIBELA sa Setyembre 23 Hanggang 24, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: