Nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga namayapa at buhay na mga bayani sa isinagawang paggunita sa Araw ng mga Pambansang Bayani sa Libingan ng mga Bayani, Fort Bonifacio, Taguig City noong Agosto 26, 2024.

News Image #1


Tulad nina Lapu-Lapu, Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Antonio Luna at mga Katipunero, ang mga modernong mga bayani ay puno rin ng katapangan at pagmamahal sa bayan, ayon kay Marcos.

"Their bravery and determination paved the way to the freedom that all of us enjoy today, although it came at a high cost-their peace, their rights, [and] their lives. Heroism also lies in him and her who are virtuous, in those who are compassionate, in those who are just. We have seen how it resides in the heart of a modern-day Filipino, fearless amidst the continuing adversities and perils that the world has unleashed - geopolitical conflicts, diseases, [and] climate change," ayon sa Pangulo.

News Image #2


Inihalimbawa niya ang mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard na patuloy na ipinagtatanggol ang mga nasasakupan ng ating karagatan, ang mga sundalong pumoprotekta sa mga mamamayan at sa mga healthcare workers na isinusuong ang sariling buhay para sa kaligtasan ng iba.

Nakikita rin aniya ang kabayanihan sa mga Pilipino sa ibayong dagat na nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya, ang mga ordinaryong manggagawa na sandigan ng ekonomiya at mga magsasaka at mangingisda na nagbibigay ng pagkain sa bayan.

News Image #3


Binanggit din ng Pangulo ang kabayanihan ng mga guro, media, mga nagtatanggol sa kalikasan, at sa mga atletang Pilipino.

Nanawagan din si Marcos sa lahat ng Pilipino na maging bayan isa sarili nilang paraan.

Dumalo rin sa kaganapan sa Libingan ng mga Bayani sina Taguig City Mayor Lani Cayetano, Execuritve Secretary Lucas Bersamin, House Speaker Martin Romualdez, mga opisyales ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, miyembro ng Diplomatic Corps, mga beterano at mga estudyante.

News Image #4


Nagpahayag ng kanyang mensahe ng pagtanggap si Cayetano.

"Bitbit ko palagi ang karangalan sa pag-representa ng ating Transformative, Lively and Caring City. Salamat sa PANGINOON sa biyaya ng mga Bayaning Pilipino na naghatid sa atin ng Kalayaang ating tinatamasa sa ngayon," ang pahayag ni Cayetano sa kanyang Facebook post.

(Mga larawan mula sa Lani Cayetano Facebook Page)