Tiniyak ng presidente at chief executive officer ng Globe Telecom Incorporated na si Ernest Cu na walang nawalan ng pera sa kanilang GCash e-wallets dahil naisagawa nila agad ang pagbabalik ng mga pondo ng mga ito sa loob ng 24 na oras.
Nagsagawa ng pagtatama ang G-Xchange Incorporated, ang nagpapatakbo ng GCash, makarang magkaroon umano ng pagkakamali sa kanilang system reconciliation process noong Sabado.
"It's a reconciliation issue that some wallets were debited inadvertently. Now what is most important and what we should all focus on is that whatever errors occurred, they were rectified very quickly," ang pahayag ni Cu sa isang virtual media briefing.
"No consumer lost any fund. The accounts were restored within 24 hours and corrections were indeed made on process that will ensure that this does not happen again," ang sinabi pa ni Cu.
Sinabi naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na iimbestigahan nila ang nangyari sa GCash at inanyayahan ang mga kostumer nito na ipagbigay-alam sa kanila agad kung mayroon pang problema ang kanilang GCash. Maaaring magpadala ng mensahe sa: BSP Facebook Messenger: @BangkoSentralngPilipinas o sa website ng BSP: www.bsp.gov.ph
Inatasan din nila ang G-Xhange Incorporated na magsumite ng regular na pinakahuling balita sa kanilang naging aksyon sa isyu.
Nawalang Pera sa GCash E-Wallets ng Ilang Customers Nito, Naibalik Na, Ayon sa Presidente ng Globe | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: