Isandaang pares ng SKX basketball shoes ang ipinamahagi ng Skechers kasabay ng pormal na pagpapakita sa publiko ng Skechers Tenement Court Mural sa Fort Bonifacio Tenement, Taguig City noong Agosto 3, 2024.

News Image #1


Tampok sa mural ang mga NBA basketball players na sina Julius Randle ng New York Knicks at Terance Mann ng Los Angeles Clippers na personal na dinaluhan ang kaganapang ito sa basketball court ng tenement sa Barangay Fort Bonifacio.

News Image #2


Ipinapakita sa mural ang hinaharap ng basketbol sa Pilipinas, ang pagmamahal ng mga manonood at manlalaro sa isport na ito, at ang pagiging Pilipino na kinatawan ng pakpak ng Philippine eagle na nasa basketball na hawak ni Mann sa mural at ang habi ng tela na makikita sa katutubong kulturang Pilipino na nasa bola naman ni Randle.

News Image #3


Ang disenyo ay nababalot naman ng kulay ng bandila ng Pilipinas.

Ang mga gumawa ng mural ay ang Tenement Visual Artists, isang grupo ng mga manlilikha nak ilala sa paggawa ng mga murals na nagba-viral sa buong mundo.

"This unveiling was a huge opportunity to showcase the Philippines' passion for the game. It put the deep-rooted enthusiasm of Filipino fans for the sport on full display. Basketball isn't just a sport in the Philippines, it's a national pastime, a way to bond with your friends, and an avenue to unleash their competitive spirit. This mural validates and recognizes the unmatched love the country has for the game while bringing home a world-class basketball experience," ang pahayag ng Skechers sa kanilang media release.

Namigay ang Skechers ng 100 pares ng sapatos na pang-basketball sa mga mamamayan na nakatira sa Tenement kasabay ng okasyong ito.

(Mga larawan mula sa Skechers)