Inaanyayahan ng Nectar Nightclub ang lahat na makisaya sa mga huling gabi ng operasyon nito makaraang ianunsyo ng Bonifacio Global City na isasara na ang The Fort Strip sa BGC Taguig City simula Enero 1, 2025.
Ang naturang nightclub na naging sikat na lugar ng kasiyahan para sa LGBTQIA Plus community ay may gabi-gabing party kung saan tinatawag nilang Last Dance ang kasiyahan sa Disyembre 30, 2024 at may New Year's Eve Party naman sa Disyembre 31, 2024.
Nagsimula ang Nectar Nightclub noong taong 2016, sa panahong ang sikat noon ay mga drag theaters o comedy bars. Simula nang itayo ito, nakalagay ang isang Pride rainbow flag sa harapan nito, na sumisimbolo na ito ay isang ligtas na lugar para sa LGBTQIA Plus community.
Nagsimula lamang ang drag shows sa Nectar Nightclub noong nagtanghal sa kanila ang American drag queen na si Alaska. Naging entablado na ito para sa mga nagsisimula pa lamang sa drag na mga Pilipino.
Doon nadiskubre si Marina Summers, Minty Fresh at Odasha.
Tiniyak ng may-ari ng Nectar Nightclub na muli silang babalik sa club scene sa kabila ng pagsasara ng The Fort Strip sa BGC.
(Mga larawan mula sa Nectar Nightclub)
Nectar Nightclub na Lugar ng Kasiyahan ng LGBTQIA Plus Community, May Last Dance sa Disyembre 30 at New Year's Eve Party sa Disyembre 31 Bago Ito Tuluyang Magsara | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: