Isang Nigerian national ang nahulihan ng mga ipinagbabawal na gamot at baril sa isang checkpoint ng Commission on Elections at Philippine National Police sa Barangay Ligid Tipas, Taguig City kamakailan.
Nakumpiskahan ng Taguig City Police ang Nigerian national ng 3.83 gramo ng cocaine, 2.8 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, isang baril at bala nang ma-checkpoint ito sa Barangay Ligis Tipas.
(Larawan ng Taguig City Police)
Dinala ang Nigerian national sa himpilan ng Taguig City Police at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), at Section 261 ng Omnibus Election Code (gun ban).
Ang gun ban ay ipinatutupad sa bansa bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan para sa darating na halalan sa Mayo 12, 2025.
Ipinagbabawal ng Comelec ang pagdadala ng baril at nakamamatay na armas sa labas ng bahay o negosyo o iba pang pampublikong lugar.
Nigerian National, Nakumpiskahan ng Cocaine at Pinatuyong Dahon ng Marijuana Bukod sa Baril at Bala sa Comelec/PNP Checkpoint sa Barangay Ligid Tipas | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: