Ang mga nurses ng Taguig City ay tunay na mga bayani dahil sa kanilang dedikasyon at paggampan sa tungkulin kahit mahirap ito.

Ito ang buod ng talumpati ni Taguig City Mayor Lani Cayetano sa selebrasyon ng Nurses' Week sa Taguig Convention Center noong Oktubre 31.

News Image #1


Isa sa mga nurses ng Taguig na pinatunayan ang kanyang dedikasyon sa trabaho at pagmamalasakit ay si Elvies Duque ng Centerlife Care Home health care service sa Taguig City na nasawi sa Covid-19 noong 2020.

Kinilala ito bilang Bayaning Nars Awardee ng Philippine Nurses Association noong panahon ng pandemya.

Sa isinagawang selebrasyon ng Nurses' Week, kinilala naman ng pamahalaang lungsod ang paglilingkod ng nga naturang nurses.

News Image #2


May 500 nurses ng Taguig City Health Office at Taguig Pateros District Hospital ang dumalo sa kasiyahan.

News Image #3


Pinasalamatan ni Cayetano ang mga nurses sa kanilang dedikasyon sa serbisyo.

"Thank you for being a channel of blessing and love for our constituents. Sa araw-araw na pagtupad ninyo sa inyong mga gawain sa ating ospital at sa ating mga health centers, sa paulit-ulit ninyong pagharap sa ating mga pasyente, paulit-ulit din ninyong ipinapakita ang puso ninyo sa paglilingkod," ayon kay Cayetano.



(Photos by Taguig PIO)