Naging malaking tagumpay ang isinagawang pagsalubong sa Bagong Taon sa NYE at the 5th sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.
Dinayo ng mga Taguigeños at mga taga-ibang lugar ang konsyerto at engrandeng fireworks display sa 5the Avenue sa BGC na nagsimula ng alas 7:30 ng gabi ng Disyembre 31, 2024 hanggang kinabukasan ng madaling araw ng Enero 1, 2025.
Kabilang sa mga nagtanghal ang mga Original Pilipino Music (OPM) artists na sina Sarah Geronimo, Rico Blanco at Juan Karlos, at ang British duo na Honne at Korean Pop Group na Itzy.
Ang nag-host naman sa kaganapan ay sina Gabbi Garcia at Mikael Daez.
Dumalo rito sina Taguig City Mayor Lani Cayetano, Senador Alan Peter Cayetano at Senadora Pia Cayetano.
Sa post ng alkalde sa kanyang Facebook Page, sinabi nitong hindi pa rin siya makalimot sa masayang pagsalubong ng Taguig sa Bagong Taon.
"Thank you Taguigeños at sa mga panauhin from all over the country and around the world dahil lahat kayo ay kasama namin sa pag-abot sa pangarap na maging ganap na Transformative, Lively and Caring City and ating Probinsyudad! Sa Taguig, posibleng ipagdiwang ang OPM hatid ng mga Exceptional Filipino artists tulad ni Juan Karlos, Rico Blanco at Sarah Geronimo na may surprise duet pa with husband, Matteo Guidicelli! Napakahusay din ng ipinakitang talent sa hosting nina Gabbi Garcia and Mikael Daez! It's also a joy for us to bring K-Pop group Itzy and English Electro-Pop band Honne upang maging abot kamay at mabigyan ng pagkakataon ang mga kababayan nating Pilipino na makapanood ng International performers sa sarili nating lungsod ng libre," ayon kay Cayetano.
(Mga larawan mula sa Facebook Page: Lani Cayetano)
NYE at the 5th sa BGC, Malaking Tagumpay ang Pagdaraos | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: