Tinatawagan ang lahat ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Barangay Western Bicutan, Taguig para sa pagpapatala sa Oktubre 10-12, 2023.


Ang Taguig OFW Affairs Office (TOFWAO) ay personal na magtutungo aa barangay upang isagawa ang pagpapatala ng Manggagawang Filipino sa Ibang Bansa (OFW Registration) mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.


News Image #1


Kinakalap ng opisina ang data ng mga OFWs upang maging batayan sa kanilang gagawing programa para sa mga ito.

Ayon kay TOFWAO Head Corazon Ybañez, tuloy-tuloy ang Taguig sa pagresponde sa mga pangangailangan ng mga Taguigueñong OFWs, at tinitiyak na sila ay magiging ligtas sa mga ilegal na recruiter at mapang-abusong employers.

News Image #2


Nagbibigay rin ang pamahalaang lungsod ng Taguit ng training at workshop para mapaunlad pa ang kasanayan ng mga Taguigueñong OFWs.

(Photo file by Taguig PIO)