Nagtayo ang pamahalaang lungsod ng Taguig ng one-stop-shop para sa mga social services sa mga mamamayan ng Taguig na nasa EMBO (Enlisted Men Barrio) barangays, sa Sampaguita Street, Barangay Pembo, Taguig kahapon, Agosto 31.

Ito ay kasabay ng pagsisimula ng pamimigay ng birthday cash gift sa mga senior citizens ng EMBO barangays na ang ceremonial kick-off ay isinagawa sa Clean Project Car Hub, Sampaguita Street Barangay Pembo, Taguig City kahapon ng alas 9:00 ng umaga. (Click the video below)



News Image #1


Ang one-stop shop volunteer center na inilagay sa Sampaguita Street, Barangay Pembo ang pupuntahan ng mga senior citizen na hindi nakasama sa inisyal na listahan ng senior citizen beneficiaries mula sa EMBO barangays na nakalap ng pamahalaang lungsod ng Taguig.

Ang one-stop shop ay bukas din para sa mga magtatanong o mag-a-apply para sa mga social services ng Taguig katulad ng medical assistance, burial assistance, benepisyo para sa mga mamamayang may kapansanan at maging ang tanong kaugnay ng scholarship para sa mga mag-aaral.

Mayroon ding hotline numbers ang pamahalaang lungsod ng Taguig para sa mga nais magtanong at ito ay ang sumusunod: 0966-170-3025, 0926-661-2230, at 0926-661-2234 para sa Globe; at 0962-057-9590, at 0950-356-1320 para sa Smart users.

News Image #2


Nakatanggap na ng birthday cash gift ang mga senior citizens na dumalo sa kick-off ceremony na personal na dinaluhan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano. Magbabahay-bahay ang mga tauhan ng barangay Affairs Office (BAO) sa mga tinitirhan ng senior citizens sa EMBO para ibigay ang cash gift na P3, 000 sa mga senior citizen na 60 hanggang 69 taong gulang. Apat na libong piso naman pata sa mga 70 hanggang 79 taong gulang. Ang mga 80 hanggang 89 taong gulang naman ay may P5, 000 cash gift. At ang mga 90 hanggang 99 taong gulang ay makakatanggap ng P10, 000 cash gift.

News Image #3


Kapag 100 na ang edad ng senior citizen sa EMBO barangay, bibigyan ito ng P100, 000, at patuloy na matatanggap ng centenarian ang halagang ito sa bawat susunod na kaarawan nito.

Nagpasalamat ang 72 taong gulang na si Guillermo Perez Jr. ng Barangay South Cembo sa pamahalaang lungsod ng Taguig sa kanyang natanggap na cash gift na P4, 000. "Napakaganda po na dinadala niyo sa amin sa bahay ang aming cash gift. Maraming salamat po."

Si Adela Miranda, 86 taong gulang, ng Barangay Post Proper Southside, ay ngayon lang nakatanggap ng birthday cash gift na nagkakahalaga ng P5, 000. "Maraming salamat po at ngayon may natanggap na ako sa kaarawan ko. Ibibili ko po ito ng bigas at pang ulam namin."

News Image #4


Sinabi ni Cayetano na ang kanila pa lamang nalamang senior citizens sa EMBO barangays ay 271 dahil wala pa aniyang naite-turn over sa kanilang senior citizen database sa Makati. Nabuo lamang nila ang inisyal na listahan mula sa mga community leaders ng EMBO barangays na tumulong sa kanila. Binerepika ito mula sa listahan ng mga benepisyaryo ng social pension sa mga barangay na ito.

News Image #5


"Kahit po mano mano ang pagkalap ng ating datos, hindi na namin ipinagpabukas ang pagkakaloob ng birthday cash gift sa ating mga senior citizen," ayon kay Cayetano sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga senior citizens na dumalo sa kick-off ceremony sa Barangay Pembo.

(Photos by Taguig PIO)