Pansamantalang hindi magagamit ang online service para sa mga bagong magrerehistro ng kanilang negosyo o may babaguhin sa kanilang rehistrasyon sa panahon ng 𝐁𝐮𝐬𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐎𝐧𝐞-𝐒𝐭𝐨𝐩 𝐒𝐡𝐨𝐩 (𝐁𝐎𝐒𝐒) 𝟐𝟎𝟐𝟓.

News Image #1


Babalik lamang ang serbisyo sa Enero 21, 2025.

Ito ay upang matugunan muna ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang pagpo-proseso sa napakaraming aplikasyon para sa renewal ng business permit ng mga dati nang nakapaagparehistro.

Ang online renewal ng business permits ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng pagsunod sa gabay na ito, ayon sa Taguig Business Permits and Licensing Office:

1: Mag-log in sa inyong kasalukuyang account sa pamamagitan ng https://eservices.taguig.gov.ph/
2: Pumunta sa Business Permit Portal at piliin ang inyong uri ng negosyo.
3: isumite ang hinihinging impormasyon.
4: Hintayin ang Notice of Assessment.
5: Bayaran ang kinakailangang bayarin sa Landbank o UPay Unionbank.
6: Kapag nakumpleto na ang pagbabayad, i-download ang inyong business permit kapag sinabing ito ay handa na.

News Image #2


Narito naman ang pamamaraan ng pagbabayad kung may Landbank of the Philippines o UnionBank account:
1: Mag-login sa inyong account sa https://eservices.taguig.gov.ph/
2: Tingnan ang inyong nakarehistrong negosyo at alamin ang transaction status.
3: Kapag nakita nang "For Payment," pumunta sa Bill Information section at tingnan ang detalye ng bill.
4: Kumpirmahin ang inyong billing information bago magbayad.
5: Piliin ang Landbank o UPay (Unionbank) bilang payment channel.
6: Hintayin ang Acknowledgement Receipt.
7: Makaraang makapagbayad, i-download ang inyong business permit kapag handa na ito.

News Image #3


Kung may dagdag na tanong, maaaring i-click ang link na ito:
https://bit.ly/TaguigInfoOnlineSupport

(Mga larawan mula sa Taguig PIO)