Isang Online Zumba at panonood ng mga premyadong mga pelikula ang isasagawa ng Civil Service Commission upang simulan ang isang buwang selebrasyon ng ika-123 Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) ngayong Setyembre.
Ang Online Zumba ay bukas para sa lahat ng opisyal at kawani ng pamahalaan at maging sa kanilang mga pamilya na 18 taong gulang pataas.
"Sa ika-1 ng Setyembre, inaasahang masisilayan ang libu-libong kawani ng gobyerno na sama-samang nakikibahagi sa Online Zumba na ito bilang pagsuporta sa PCSA celebration. Higit pa sa pagsusulong ng kahalagahan ng kalusugan at kagalingan ng bawat lingkod bayani, ang aktibidad na ito ay isang pagpapamalas ng pagkakaisa sa serbisyo sibil para sa iisang layunin," ang pahayag ni CSC Chairperson Karlo Nograles.
Samantala ang CSC Regional Office I ay nakipag-partner naman sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) hindi lamang para sa Online Zumba kung hindi para bigyan din ng pagkakataon ang mga sasali rito upang makapanood ng mga piling pelikula sa pamamagitan ng FDCP channel sa https://fdcpchannel.ph.
Tatlong mahuhusay na pelikula ang maaaring mapanood sa buond buwan ng Setyembre sa FDCP Channel at ito ay ang "Edward" na dinirihe ni Thop Nazareno, "Mañanita" ni Paul Soriano, at "Retirada" nina Cynthia Cruz-Paz at Milo Paz.
May bayad ang rehistrasyon sa Online Zumba na P250.00 at natapos na ang rehistrasyon noong Agosto 25, 2024. Ang kikitain dito ay ibibigay sa proyektong Pamanang Lingkod Bayani, na nagbibigay ng pinansiyal na tulong at scholarship sa mga naiwan ng mga kawani ng pamahalaan na nasawi habang gumanap ng tungkulin.
Online Zumba at Panonood ng Premyadong Pelikulang Pilipino, Bahagi ng Selebrasyon ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: