Ang circumcision o pagtutuli ay isang karaniwang operasyon na tinatanggal ang balat na nakapatong sa ulo ng ari ng isang lalaki. Layunin nitong mas maging malinis ang naturang parte ng katawan ng lalaki.
Napapababa rin ng pagtutuli ang panganib ng pagkakaroon ng urinary tract infection (UTI), kanser sa ari, at ilang mga sexually-transmitted infection.
Mataas ang bilang ng pagtatagumpay sa pagtutuli, kung saa mababa sa 3% ang nagkakaroon ng kumplikasyon.
Nagsasagawa ngayon ng libreng pagtutuli ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa mga barangay nito. Kasama rin sa Operationg Libreng Tuli ang libreng antibiotics, gamot na pang-alis ng sakit at may gabay rin na ibinibigay para sa tamang pangangalaga makalipas na matuli.
Ngayong Lunes, Hunyo 10, ang Operation Libreng Tuli ay nasa Barangay Western Bicutan. Magtutungo naman ang mga doktor at iba pang medical staff ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa Barangay Rizal sa Hunyo 11.
Sa Barangay Pitogo naman magsasagawa ng Operation Libreng Tuli sa Hunyo 13. Pagdating ng Hunyo 14, ang pagsasagawaan ng libreng pagtutuli ay sa Barangay New Lower Bicutan at Lower Bicutan. Sa Hunyo 15, dadayo sila sa Barangay Upper Bicutan.
Limandaang kalalakihan lamang ang tatanggapin kada araw sa barangay na pagsasagawaan ng pagtutuli kung saan sisimula ang rehistrasyon ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon. Maaaring magpatuli ang mga kalalakihang kahit na anong edad.
Mayroong consent form na pasasagutan na makukuha sa barangay na kailangang dala sa panahon ng pagtutuli bukod sa identification card ng pasyente at tagabantay. Ang mga residente lamang na naka-schedule sa barangay ang papayagang matuli, at kailangan ding nakakain na ang pasyente upang maiwasan ang pagkahilo.
(Larawan mula sa Taguig PIO)
Operation Libreng Tuli ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig, Dadalhin sa Western Bicutan, Rizal, New Lower at Lower Bicutan, Pitogo at Upper Bicutan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: