Isang Operations Manager na nahaharap sa 266 na kaso ng pagnanakaw at pamemeke ng mga dokumento ang naaresto ng mga pulis sa Bonifacio Global City, Taguig City noong hapon ng Hulyo 10, 2024.

News Image #1

(Larawan mula sa Southern Police District)

Inaresto ng Makati City Police ang 45 taong gulang na si alyas Charmaine sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Kagalang-galang Cristina Arcilla Mabazza ng Regional Trial Court Branch 141 in Makati City.


266 bilang ng Qualified Theft sa pamamagitan ng Falsification ng Commercial Documents ang kinakaharap na kaso ni alyas Charmaine.

Kasama ng Makati Station Intelligence Section (SIS), Warrant and Subpoena Unit (WSU) ang National Intelligence and Security Group-National Capital Region (NISG-NCR) sa pagpapatupad ng arrest warrant.

Ang rekomendadong piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni alyas Charmaine ay nasa ₱10,610,000.00, kung saan ang ₱390,000.00 ay para sa 13 kaso na tig-₱30,000.00 bawat isa.

Ang ₱10,040,000.00 ay para 251 kaso na nasa ₱40,000.00 ang bawat isa at ₱180,000.00 para sa 2 kasong tig- ₱90,000.00 bawat isa.

Napag-alaman na nang si Charmaine ay accountant sa isang public relations company, may mga ginawa itong mga invoices na hindi tugma sa pinansyal na record ng kumpanya.

Naging dahilan ito upang mawala ang ₱100 million.