Kinilala ang may 690 batang nag-aral sa mga day care sa mga Child Development Centers sa Taguig sa isinagawang seremonya para sa "Mga Batang May Karangalan" (Children with Honor) sa Taguig City University Auditorium noong Agosto 22.

News Image #1


Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office at ng Local School Board, kinilala sa naturang okasyon ang mga batang angat sa talino at talent at nakakumpleto ng Levels 1 at 2 ng Taguig Early Childhood Care and Development (ECCD) Program.

Ang mga bata ay binigyan ng mga medalya at certificate of recognition sa seremonya kung saan nagtanghal din ang ilang mga mag-aaral.

News Image #2


Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang seremonya at tiniyak na patuloy ang Taguig sa pagbibigay ng libre at may kalidad na edukasyon sa mga estudyante. Bukod sa mga libreng kagamitan at uniform, ang pagtitiyak ng mataas nak alidad ng edukasyon at makabuluhang karanasan sa pag-aaral ang hatid ng Taguig bilang transformative, lively at caring city.

News Image #3


"Sila po ang greatest asset ng City of Taguig. Pinakatangi at pinakamahalagang yaman ng ating lungsod. We owe it to them, to work together to make sure that all the dreams and aspirations that they have, as litlle learners will all be possible," ayon kay Cayetano.

"We dedicate the lives of our young learners to the Lord, as we work hard, hand in hand po, magkatuwang po tayo para sa magandang kinabukasan ng kabataang Taguigueño," dagdag pa ng alkalde.