Umaabot na sa PHP783.6 milyon ang mga baryang naideposito sa mga coin deposit machines ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa huling tala nito noong Hunyo 23, 2024.
Sinabi ng BSP na may 211.68 milyong piraso ng mga barya ang naihulog sa may 191, 804 na transaksyon.
(Larawan ng PNA)
Mayroong coin deposit machine sa SM Hypermarket FTI, Taguig City kung saan marami ring naghuhulog doon.
Inilunsad ng BSP ang coin deposit machine project noong Hunyo 20, 2023 upang matugunan ang artipisyal na kakulangan ng mga barya sa ilang bahagi ng bansa dahil itinatago ito ng mga ilang mamamayan o nakakalimutang ipambili at pakalat-kalat lang sa kanilang bahay.
Ginawa rin ito ng BSP upang matiyak na maaayos pa ang itsura ng mga barya na maaaring muling paikutin ang paggamit sa bansa.
Ang mag naghuhulog sa coin deposit machines ay naililipat ang halaga ng kanilang idinepositong barya sa kanilang GCash o Maya electronic wallet accounts, o maaari ring ipalit ng shopping vouchers.
May 25 coin deposit machines sa mga partner na establisamyento ng BSP sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.
Bukod sa SM Hypermarket sa FTI-Taguig, mayroon din sa Robinsons Place Metro East, Pasig City; Robinsons Place Novaliches, Quezon City (QC); Robinsons Place Antipolo, Rizal; Robinsons Place Magnolia, QC; Robinsons Place Ermita, Manila; Robinsons Place Galleria, Ortigas; Festival Mall, Muntinlupa City; SM Megamall, Mandaluyong City; SM City Grand Central, Caloocan; SM City Marilao, Bulacan; SM City Taytay, Rizal;; SM Southmall, Las Piñas City; SM City Sucat, Parañaque; SM City Calamba; SM City Marikina; SM City San Mateo, Rizal; SM City Valenzuela; SM Mall of Asia, Pasay City; SM City North EDSA, QC; SM City Fairview, QC; SM City San Lazaro, Manila; SM City Bicutan, Parañaque; at SM City Bacoor, Cavite.
P 783.6 Milyong Halaga ng Barya, Naideposito sa 25 Coin Deposit Machines ng Bangko Sentral; May 1 Coin Machine sa SM Hypermart FTI - Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: