P0.90 ang itataas kada litro ng diesel ngayong Martes, Enero 14, 2025.
Ang gasolina at kerosene naman ay tataas sa P0.80 kada litro.
(Larawan ng Taguig.com)
Sinabi ni Asst. Director Rodela Romero ng Department of Energy-Oil Industry Bureau na ang dahilan nito ay ang mas mababang produksyon ng petrolyo noong Disyembre. Gayundin ang masigasig na ekonomiya ngayon ng Estados Unidos na gumagamit ng mas maraming petrolyo.
(Larawan ng Taguig.com)
Inaasahan din ang economoic stimulus package ng China ay magbubunsod ng paglakas ng pangangailangan sa petrolyo sa Asya.
P0.90 Kada Litro ang Itataas sa Diesel, P0.80 Kada Litro naman ang Itataas sa Presyo ng Gasolina at Kerosene Ngayong Enero 14, 2025 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: