Ibinigay na ng bilyonaryo at business tycoon na si Manuel V. Pangilinan ang P10 milyong cash reward para sa bagong residente ng Taguig na double gold medalist sa Olympics na si Carlos Yulo kahapon,Huwebes, Agosto 22, 2024.
Ang coaching team ni Yulo ay makakatanggap din ng P5 milyon mula sa bilyonaryo.
Bukod kay Yulo, bibigyan din ni Pangilinan ng tig-P2 milyon ang mga boksingerang sina Aira Villegas at Nesthy Petecio na iniuwi naman sa bansa ang Olympic bronze medals, at may P2 milyon din ang kanilang mga coaches.
Sa post ni Pangilinan sa kanyang account sa X (dating Twitter), sinabi nitong patuloy niyang susuportahan ang mga atletang Pilipino hanggang sa susunod na Olympics.
"Like always, they can count on our continued support until LA 2028. Mabuhay ang atletang Pinoy!" ang post ni Pangilinan.
Ang dalawang gintong medalya ni Yulo sa Artistics event sa Gymnastics at tig-isang tansong medalya nina Petecio at Villegas sa boksing ang pinakamahusay nang pagpapakita ng galing ng mga atletang Pilipino sa Olympic Games simula nang lumahok ang bansa 100 taon na ang nakararaan.
Dahil sa ibinigay ni Pangilinan na cash rewards sa Olympic medalists, lalo pang nadagdagan ang mga natanggap ng mga ito mula sa pamahalaan at iba pang pribadong institusyon.
Sang-ayon sa batas na Republic Act 10699 na nilagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino, Jr., ang gold medalist sa Olympics ay may insentibong P10, 000; ang silver medalist ay P5, 000, 000 at ang bronze medalist ay P2, 000, 000.
Dinoble rin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang cash rewards kina Yulo, Villegas at Petecio. Si Yulo ay binigyan ng P20 milyong piso bukod sa Presidential Medal of Merit. Tig- P2 milyon naman sina Petecio at Villegas.
Ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), batay sa mandato nito, ay binigyan si Yulo ng P20 milyong reward sa dalawang gintong medalya nito., has said it would grant Yulo a P20-million reward for winning two Olympic gold medals.
Ang Kamara de Representantes ay nagbigay naman kay Yulo ng P14 na milyong insentibo, samantalang sina Villegas at Petecio ay tig-P2, 500, 000.
Mayroon na ring P32 milyong condominium unit sa McKinley Hills, Taguig City si Yulo bukod sa P3 milyong cash sa Megaworld, isang P6 na milyong bahay at lupa sa Nasugbu, Batangas, isang sasakyan mula sa Toyota, at milyon-milyong piso pa mula sa iba't ibang institusyon.
(Mga larawan mula sa X account ni Manny V. Pangilinan)
P10 Milyong Cash Reward kay Olympic Double Gold Medalist Carlos Yulo, Ibinigay na ng Bilyonaryong si Manny Pangilinan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: