Umaabot na sa P10.15 bawat litro ang itinaas sa presyo ng gasolina mula Enero hanggang sa pinakahuling tala noong Nobyembre 12, 2024.
(Larawan ni Dexter Terante)
Ang diesel naman ay nakaipon na ng pagtataas na P9.40 kada litro simula noong Enero hanggang nitong Nobyembre 12, at ang kerosene naman ay may net decrease na P1.40 kada litro.
Nitong Martes, Nobyembre 25, tumaas na naman ang presyo ng gasolina ng P1.15 kada litro, ang diesel naman ay P1.10 kada litro at ang kerosene ay tumaas ng P0.80 kada litro.
Noong isang linggo, nabawasan ang presyo ng gasolina ng P0.85, ang diesel ng P0.75 at ang kerosene ng P0.90.
Una rito, sinabi ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) na ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggong ito ay dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia lalo na ang panganib na pagsasara ng plant sa Russia at ang paghinto ng oil production sa Norway.
P10.15 Kada Litro na ang Itinaas ng Gasolina Mula Enero Hanggang Nobyembre 12, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: