Umabot na sa P113 milyon ang nakuhang insentibo ng double gold medalist sa Paris 2024 Olympics na Pilipinong gymnast na si Carlos Yulo mula sa pamahalaan at mga pribadong kumpanya.
(Larawan mula sa Philippine Sports Commission)
Ang pinakahuling nagbigay kay Yulo ng cash reward ay ang Chooks-to-Go na nagbigay sa atleta ng P3 milyon.
Ang pagbibigay kay Yulo ng P3 milyon ay isinagawa sa pagbubukas ng isang tindahan ng naturang brand sa Festival Mall, Muntinlupa City noong Biyernes, Agosto 23, 2024.
Sinabi ng Exective Vice President for Operations ng Chooks-to-Go na si Patricia Cheng Lim na isang karangalan oara sa kanila na mabigyan ng gantimpala si Yulo dahil sa kakaibang ipinakita nito sa Paris Olympics at masaya silang naibahagi ang pagkakataong makita rin ng mga humahanga kay Yulo ang atleta sa kanilang kaganapan.
Dumalo rin dito ang nagwagi ng pilak na medalya sa boksing sa Atlanta Olympics na si Mansueto "Onyok" Velasco at Tokyo Olympics bronze medalist for boxing Eumir Marcial, fencer Samantha Catantan na lumahok din sa Paris Olympics, at ang triathlon star na si Nikko Huelgas.
Ang pinakaunang insentibo ni Yulo ay ang itinakda ng batas na P10 milyon sa bawat gintong medalya na nasa ilalim ng Republic Act 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act. Dalawampung milyong piso ang nakuha ni Yulo dahil sa dalawa niyang gintong medalya sa Artistics Events ng Paris Olympics.
Ang pinakahuling nakuhang mga insentibo ni Yulo ay ang P3 milyon mula sa Senado na dahilan upang maabot na niya ang P100 milyon, nadagdagan pa ng P10 milyon mula sa business tycoon na si Manny Pangilinan at ang huli ay ang P3 milyon ng Chooks-to-Go.
P113 Milyon na ang mga Nakuhang Insentibo ng Double Gold Medalist sa Olympics na si Carlos Yulo | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: