P1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa dalawang kalalakihan sa Barangay New Lower Bicutan noong Mayo 8, 2024 ng gabi.

News Image #1

(Larawan mula sa PNP-NCRPO)

Isang buy-bust operation ang isinagawa ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO)sa Magsaysay Extension malapit sa Maguindanao Street, Barangay New Lower Bicutan bandang alas 8:40 ng gabi noong Mayo 8.

News Image #2


Naaaresto rito sina Fahad Esmail, 24 taong gulang at Jay Salboro, 21 taong gulang makaraan ang palitan ng droga at pera. Nakumpiska sa dalawa ang may 250 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P 1.7 milyon.

News Image #3


Ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Taguig City Prosecutor's Office.

News Image #4



Mula Mayo 9 hanggang 10, 2024, nagsagawa ng mas pinalakas na operasyon ang NCRPO laban sa droga na naging dahilan ng pagkakaaresto ng 52 kataong may kinalaman sa droga, pagsasagawa ng 26 na drug operations at pagkakakumpiska ng 191.28 gramo ng shabu at 7, 000 gramo ng marijuana na ang kabuuang halaga ay P2,140,704.00.

(Larawan mula sa PNP-NCRPO)