Dalawampung libong mga pamilya at may 15, 000 indibidwal sa may 176 komunidad ang natulungan ng Angat Buhay Foundation na nagdiwang ng unang anibersaryo nito sa SMX Aura Hall sa Taguig City noong Hulyo 1.
Nakabuo naman ng 367 proyekto na katumbas ng may P24.8 milyon ang isinagawang Development Matching session kung saan nag-usap ang mga volunteer NGOs at mga institutional partners upang pagtibayin ang kanilang ugnayan sa adbokasiya.
Inilunsad din kasabay ng selebrasyon ng anibersayo ng Angat Buhay Foundation ang Angat Bayanihan, na sinasabing pinakamalaking volunteer network sa bansa. Nagsama-sama ang 188 volunteer organizations at mahigit 13, 000 individual volunteers para magkatulungan sa pag-angat ng buhay ng mga mamamayan.
Pinangunahan ni dating Vice President Leni Robredo ang selebrasyon ng itinayo niya at pinamumunuang non-government organization at volunteer network.
"Isang taong gulang na ang Angat Buhay NGO o siguro mas tamang sabihin, isang taong gulang pa lang ang Angat Buhay NGO. Nagsisimula pa lang tayo. Nasasabik ako sa mga pangarap na kaya pa nating abutin," ayon kay Robredo.
Nagsama-sama ang mga miyembro at volunteers ng organisasyon sa pagtitipon sa Taguig upang talakayin kung paano pa mapapalawak ang mga kolaborasyon sa institutional partners ng Angat Buhay, upang matulungang makaahon sa kahirapan ang mga mamamayan at mabigyan ng kakayahang makatayo sa kanilang sariling paa ang mga komunidad.
[Photo from Atty. Leni Robredo Facebook page]
P24.8 Milyong mga Proyekto, Isusulong ng Angat Buhay Foundation | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: