Halos P3.00 ang itataas ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggong ito bunga ng patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.
(Larawan ni Dexter Terante)
Batay sa anunsyo ng ilang malalaking kumpanya ng petrolyo, ang diesel ay tataas ng P2.70 kada litro, ang gasolina ay P2.65 kada litro at ang kerosene ay P2.60 kada litro simula bukas, Oktubre 15, 2024.
Ayon sa direktor ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Rodela Romero, nagkakahigpitan ngayon sa suplay ng diesel at gasolina sa ating rehiyon dahil din sa isinagawang pagbabawas ng produksyon ng Indonesia at Malaysia na wala sa plano, bukod pa sa ilang isinasagawang maintenance sa mga refineries.
Noong isang linggo, nagtaas na rin ng presyo sa diesel ng P1.20 kada litro at P0.70 kada litro sa kerosene.
P2.70 sa Diesel, P2.65 sa Gasolina, P2.60 sa Kerosene, Itataas Kada Litro Simula Oktubre 15, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: