Tatlumpung milyong pisong halaga ng high-grade marijuana ang natuklasan ng mga tauhan ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) sa loob ng dalawang balikbayan boxes na galing Canada.
Ang ipinagbabawal na marijuana na nasa dalawang balikbayan boxes ay unang natuklasan ng mga managers ng UMAC Forwarders Express, Incorporated na nakabase sa Taguig City makaraang magduda sila dahil hindi pa nakukuha ng pinagpadalhan ang mga kahon simula nang dumating ito noong Oktubre ng nakaraang taon.
Sinabi ni PDEG director Brig. Gen. Eleazar Matta na ininspeksyon nila ang dalawang balikbayan boxes noong Disyembre 27, 2024, at natuklasang ang laman nito ay 40 heat-sealed transparent plastic sachet na may tinatayang 20, 000 gramo ng Kush marijuana.
(Larawan ng PDEG)
Natukoy ng PDEG kung sino ang nagpadala at maging ang padadalhan ng naturang Kush marijuana at isinasagawa na ang operasyon at imbestigasyon ditto.
Naniniwala si Matta na sinamantala ng mga sindikato ang pagiging abala ng lahat sa Kapaskuhan kaya't isinabay ang pagpapadala ng droga sa panahong maraming balikbayan boxes na dumarating sa bansa.
Ang matagumpay na pagkakadiskubre ng tinangkang ipuslit na marijuana ay bunga ng kasunduang nilagdaan ng mga otoridad at mga forwarding companies na ipagbigay-alam kaagad sa kanila kung may makikita sila o mapupunang kakaiba sa mga balikbayan boxes na dumarating sa bansa.
Ayon naman sa tagapagsalita ng PDEG na si Lt. Dhame Malang, nag-aangkat na ngayon ng marijuana sa ibang bansa dahil sa kanilang pinalakas na kampanya laban sa lokal na produksyon at distribusyon ng marijuana.
Aniya, nag-aangkat ang mga kriminal sa mga international syndicates ng marijuana.
P30 Milyong Halaga ng Kush Marijuana, Nadiskubre sa 2 Balikbayan Boxes Dahil sa Tulong ng Isang Forwarding Company sa Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: